May 13th, 2007 by mhaje-18
Love is…
when you feel like fighting and yet you are losing
when you feel like dying and yet you’re still breathing
when you want to run but then you want to go slow
when you say you’re happy even if tears are flowing
when you want to hate but still you hug
when you want to stop but still you go on
when you want to forget but still you care
when you want to drift away but still you stay…
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 12th, 2007 by mhaje-18
let the sun greet you together with the morning sky
with the colorful sight of the birds and the butterflies
along with all your thoughts and imagination to fly
and all the memories of your frailty suddenly dies
let the colors of the rainbow fill your heart
with all the joy and laughter that you can keep
coz when the tears start rolling and rip you apart
you may end up strangled, unrecovered from being tripped
just feel the breeze as it kisses your worries goodbye
and flex your muscles to come up with a gentle smile
when time comes and everything seems to be a lie
give yourself the idea that everything’s just for a while
your life has more than many to give and to offer
there’s nothing more to grieve, nothing more to mutter…
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 12th, 2007 by mhaje-18
ako’y palakad-lakad lamang mag-isa…
hanggang may isang araw na dumating ka;
noon di’y nakatagpo rin ng masisilungan,
pagkatapos ng matagal na pagkakababad sa ulan…
tila di na maikukubli ang ligayang nadarama,
sa tuwing hawak ang mga segundo’t ika’y kapiling na;
kasama ang pagdampi ng banayad na hangin,
kalakip ang mga pangarap na nais nating abutin…
hanggang isang araw, nagdilim muli ang langit,
at ang papawiri’y unti-unti ng binawian ng ngiti;
hinding hindi ko malilimutan ang bawat saglit,
noong ika’y nagpaalam at ang lahat ay nawaglit…
mamaya pagtulog ko, ikaw man ang nasa panaginip,
tuloy-tuloy lang ang buhay hanggang muling maidlip…
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 9th, 2007 by mhaje-18
now i’m back here…
sitting under the blanket of a lonely night;
staring at stars as they slowly appear,
with the moon sharing its melancholic light;
the cold touch of the midnight breeze,
gives the silence more conviction;
where everything’s wished to be ceased,
where everything’s left out of contention…
now, every second is moving slowly,
and the very end is fast-approaching;
drowned in a world where nothing’s done instantly,
and all that’ll be left is absolutely nothing…
now, i’m back here, strangled with oblivion,
instilled with nothingness under the night’s grave horizon…
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 4th, 2007 by mhaje-18
mukhang mabubuo na naman ang ating samahan,
kasama ang nanunuot na simoy ng malamig na gabi;
hahagkan mo na naman ako ng iyong mga alaala,
pagkatapos ng mapanlinlang na init na hatid ng umaga…
kaibigan, akala ko’y hindi na tayo muling magtatagpo,
sa pagtingkad ng pag-asang sa buhay ko’y bumago;
ngunit sadya yatang kukumutan mo akong muli pagdilim,
kasabay sa ulang dulot ng nagbabadyang takipsilim…
kahit na sa damdamin ay may init pang natitira,
tila hinding hindi na maitatago pa;
ngayong puso na ang nagbubukas ng iyong pintuan,
sa isang sulok ng aking isip isasama ka sa aking panaginip…
ngayon, atin na naman ang bawat minuto ng gabi,
kung saan ikaw kalungkutan ay hindi na maikukubli…
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 3rd, 2007 by mhaje-18
nandito lang ako…
hindi mo ba makita…
hindi mo ba maramdaman…
at ‘di maaninag ng iyong isipan…
buong araw sa paghihintay…
ni pagod o antok ay ‘di alintana…
nakatitig lang sa malayo’t di maiwasan…
ang patuloy na paghiling na sana’y pagbigyan…
tulad ng dahong nakalutang…
ang kamalayang hinihipan ng pag-asa…
darating kaya siya’t upang ako’y sagipin…
o hahayaang mangulila’t liparin na lang ng hangin?
gaano bang kamahal ang isa mong minuto…
para maalala mo lang na may naghihintay sa’yo…
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 1st, 2007 by mhaje-18
now the phone’s ringing… and the messages are being sent…
time’s so consumed with too much waiting…
and traces are slowly revealed…
tried once, tried twice… the warmth of hope getting suppressed,
by numbness creeping from the back of the head…
the network says it’s busy, but still i try instead…
why would it tell that the message’s not sent this time,
now that everything feels unkind…
when everything seems to be out of hand;
and everything seems to be written in sand…
now gazing at the glass hour…
thinking about the nothingness that was left behind…
will this agony rest and put everything at ease,
after hearing "the number you dialled is not yet in service…"
Posted in Uncategorized | No Comments »
April 28th, 2007 by mhaje-18
tila nananaginip pa rin…
kung sa’n ang oras ay hawak natin;
kung sa’n tangay na tayo ng bulong ng hangin,
kung sa’n atin ang mundo’t papawirin…
at ngayo’y andito akong muli…
tuliro’t malayo ang isip sa pagtitig;
nakadungaw sa bintana ng pag-iisa,
kasama ang pusong labis na nangungulila
tila nalalapit na ang taning…
sasalubong na ang liwanag ng bukang liwayway;
gigising na naman sa katotohanang wala ka,
panibagong bukas sa aking alaala…
pero kahit na sandali lamang nating binihag ang mundo…
lagi mo namang binibihag ang puso ko…
Posted in Uncategorized | No Comments »
April 22nd, 2007 by mhaje-18
tila hindi natin maiwasan ang paglamig ng hangin
at ang buhay sa kanyang ihip ay unti-unting nawawala
paandap-andap ang tingkad ng mga bitwin
kaagapay ang kadilimang hinahatid ng gabi
hayaan mong kumutan ko ang iyong alinlangan
at samahan kang balikan ang ating pinagsamahan
hayaan mong pawiin ko ang lamig
sa init nating noon pa ma’y naramdaman
tititig na lang ako sa kalangitan at sa buwan
tititig sa malayo’t iisipin kung pano tayo makakabalik
dahil hindi ako papayag na unti-unti nating bitawan
ang tamis ng bawat segundong sa puso ko’y ikaw ang tanging laman
sa marinig mo ang bulong ng kaluluwang ito
at bigyang halaga ang kanyang pagsamo…
Posted in Uncategorized | No Comments »
April 15th, 2007 by mhaje-18
(para sa mga taong binibigyan ko ng halaga)
hanggang kelan ka ba magatatago sa likod ng iyong anino
at patuloy na mababalot ng dilim sa gitna ng kawalan
kung saan ang madilim na gabi ang tangi mong kaibigan
kahit na nasa langit pa ang mga tala at buwan
patuloy lang bang iidlip at ipipikit ang mga mata
ipagwawalang bahala na lamang ang liwanag na pwedeng madama
ipagkakait pa rin ba sa sarili ang karapatang lumigaya
at ipagpapatuloy ang buhay sa kahapong lumipas na
sa likod ka na lang ba ng iyong anino aasa?
sa likod na lang ng anino magtatago ng iyong nadarama…
kakapit pa rin ba sa mga alaala ng kahapong pumipigil sa pag-asa…
kahit na ang buhay mo’y unti-unti ng nawawalan ng halaga…
ngunit kahit ang langit ma’y umaasa pa ring mahahanap mo,
ang katotohanang may buhay ka pa sa labas ng iyong anino…
Posted in Uncategorized | No Comments »